Sabi Ng Magulang Ko, ‘Gusto Mo Ng Pera? Matuto Kang Dumiskarte’

Sabi Ng Magulang Ko, ‘Gusto Mo Ng Pera? Matuto Kang Dumiskarte’
Marami rin kaming naitinda sa harap ng bahay na 'to, depende sa kung anong makita ni Nanay na mukhang okay ibenta kapag napupunta siya sa Divisoria. PHOTO BY courtesy of Cristina Gomez-Verano

I wish the photo above was clearer because I really wanted you to see the Pinoy komiks we used to rent out when we lived in this house in Valenzuela. Malamang sa tabi, meron ding repacked na butong kalabasa at butong pakwan. Kung kuha ito noong malaki na ako, pihadong may mga chichiria at kendi pa diyan na pinuhunanan ni Tatay para sa akin.

Sa loob ng bahay, may mga makina na gamit sa patahian, Avon products for sale sa eskaparate, at ilang kahon siguro ng spare parts ng motorcycle na inilalako ni Tatay sa Norte.

Kapag may dumadating na mga daing galing sa tiyuhin ko sa Palawan, inilalako din namin ni Tatay sa palengke. Nung makalilpat kami at magka-bakery, tinapay naman ang binabagsak namin sa mga tindahan.

Dagdag ni Nanay, nagbenta din kami ng manggang hilaw, French fries, mani at banana cue. May pa-arkilahan pa ng bisikleta ang kapatid niya. Pwede ka rin makitawag sa telepono namin basta may bayad.

Sa eskwela, nagbebenta ako ng mga pampaypay at bags na gawa namin ni Kuya, polvoron, juice packs, o kung ano mang sumobra sa pasalubong ni Tatay galing sa mga byahe niya. Hindi dahil sa kailangan — gusto ko lang. And my parents encouraged me, kahit ginagastos ko ang kita malamang sa mga bagay katulad ng slum books.

Looking back now, I feel grateful na sa ganitong kalakaran ako pinalaki ng mga magulang ko. Gusto mo ng pera? Matuto kang dumiskarte. This has been my backbone as a freelance writer and a businesswoman, lalo na sa panahong ito, where every little effort counts.

Kaya tuloy lang ang diskarte. Laban lang. Kaya natin ‘to.

Maliban sa pagiging nanay, si Cristina Gomez-Verano ay isang entreprenuer: taga-utos sa JCB Customized at tindera sa JCB Sari-Sari.Source: Cristina Gomez-Verano / smartparenting.com.ph

Leave a Reply

Share via
Copy link
Powered by Social Snap