Paunawa sa Publiko: Tungkol sa Pagpapalawig ng Paghihigpit sa Paglalakbay ng Kaharian ng Saudi Arabia

Paunawa sa Publiko: Tungkol sa Pagpapalawig ng Paghihigpit sa Paglalakbay ng Kaharian ng Saudi Arabia

Ipinababatid ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (DFA) sa ating publiko na batay po sa anunsyo ng Ministry of Interior (MOI) ng Kaharian ng Saudi Arabia, ang kanilang labing-anim (16) na araw na lockdown sa mga pampubliko at pribadong sektor ay palalawigin bilang bahagi ng umiiral na mga hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 pandemic.

Palalawigin din ang suspensyon ng mga international at domestic flights, maliban para sa mga mamamayan ng Saudi Arabia at mga health o medical workers; ang pagbabawal sa pagpasok at paglabas sa tatlong siyudad (Makkah, Madinah at Riyadh); at maging ang paglalakbay mula at patungo sa labintatlong rehiyon ng Kaharian, kasama ang mga operasyon ng mga bus, taxi at tren.

Pinapayuhan ang ating mga OFWs na kumpirmahin sa kanilang mga employer o agency ang mga biyahe patungong Saudi Arabia at ayusin ang mga plano sa paglalakbay nang naaayon sa pinalawig na suspensyon.

Pinaaalalahanan ang publiko na manatiling maingat at maalam dahil ang mga bansa o teritoryo ay nagpapataw at/o nagbabago ng kanilang mga paghihigpit sa paglalakbay na maaaring makaapekto sa mga Pilipinong manlalakbay. or Makakaasa ang publiko sa patuloy na pag-monitor ng DFA sa lahat ng mga precautionary measures laban sa COVID-19 at para na rin sa kapakanan ng Filipino community.

Maraming salamat po.

—Source: DFA.GOV.PH

Leave a Reply

Share via
Copy link
Powered by Social Snap