Pagod Ka Ba Lagi? Subukan Ito

Pagod Ka Ba Lagi? Subukan Ito
Kung palagi kang pagod (fatigue), subukan itong mga payo at baka makatulong na sa iyo.
1. Magkaroon ng sapat na tulog sa gabi kung maaari ay 7 hanggang 8 oras na tulog na hindi naiistorbo.
2. Sundin and schedule ng pagtulog. Regular na matulog at gumising sa parehong oras araw-araw
3. Bigyan ang sarili ng oras para mag-relax. Humingi ng tulong sa iba kung masyado ng marami ang trabaho o pagod na.
4. I-organize ang pang-araw-araw na schedule. Unahain ang mas importante gawin. Okay lang na hindi tapusin lahat.
5. Alamin ang mga bagay na nagdudulot sa iyo ng stress. Bawasan o iwasan ito.
6. Subukan mag-ehersisyo sa umaga. Ang ehersisyo ay nagbibigay ng lakas.
7. Paramihin ang sariwang hangin sa iyong bahay at trabaho. Ang sariwang hangin ay nagbibigay ng lakas.
8. Balansehin ang iyong kakainin. Isama dito ang pagkain ng maraming prutas, gulay, at whole grain. Kumain ng masustansyang almusal at huwag magpalipas ng gutom.
9. Kung sobrang sa timbang, mag-diyeta ng dahan-dahan. Ngunit iwasan ang sobrang pagbawas sa pagkain dahil baka lalo ka manghina.
10. Uminom ng 8-10 basong tubig. Kung ang iyong ihi ay malinaw ang kulay, ibig sabihin ay sapat ang iniinom na tubig, ngunit kung sobrang dilaw kinakailangan mo uminom ng mas maraming tubig.
11. Tingnan ang mga gamot na iniinom. May mga gamot ang may side effect na nagdudulot ng fatigue.
12. Itigil ang paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay nakapagpapataas ng lebel ng pagod.
13. Bawasan o itigil ang pag-inom ng alak at kape. Ang mga ito ay naka-aapekto sa maayos na pagtulog.
Kung ang pagod ay patuloy pa rin kahit may sapat na pahinga at ito ay nagtagal ng 2 linggo o higit pa, maaaring may ibang sakit na kailangang gamutin. Kumonsulta sa iyong doktor.— Source: Dr. Willie Ong

Leave a Reply

Share via
Copy link
Powered by Social Snap