NAG-OVERNIGHT NA SA ANTIQUE, NAGDESPEDIDA PA SA BORACAY.

NAG-OVERNIGHT NA SA ANTIQUE, NAGDESPEDIDA PA SA BORACAY.

Inilabas ng opisina ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang mga larawan ng ilang kawani ng Bureau of Fire Protection Region VI na namasyal sa isang beach house sa Antique kahit ipinagbabawal ang mga pagtitipon.

Mismong hepe ng BFP Region VI ay kasama sa overnight ng mga tauhan niya sa bayan ng Anini-y at kita sa mga larawang hindi sila nakasunod sa physical distancing habang nag-iinuman at wala ring suot na mga face mask.

Kasamahan sila ng isang babae na nalamang positibo sa #coronavirus ngunit nagtungong Boracay para sa isang despedida, na dinaluhan din ng mga taga-BFP Region VI. Bumalik lamang itong Iloilo matapos malamang mayroon siyang #COVID19.

Sinibak na sa puwesto si Regional Director Roderick Aguto dahil sa mga paglabag niya at kaniyang mga tauhan sa #COVID19Quarantine.

Magsasampa ng kaso ang pamahalaang panlungsod ng Iloilo laban sa mga opisyal. — Source: / Joyce Clavecillas, ABS-CBN News

Leave a Reply

Share via
Copy link
Powered by Social Snap