Mga Bawal Kainin ng Singers at Teachers

Mga Bawal Kainin ng Singers at Teachers

Bago kumanta, magtalumpati o mag-lecture, iwasan ang mga ito:

  1. Sobrang lamig na tubig ay iwasan. Uminom lang ng maligamgam na tubig.
  2. Keso, yogurt, ice cream, at iba pang mga produktong gawa sa gatas, ay maaaring makapag-palikha ng plema at mapunta sa daanan ng iyong boses.
  3. Ang mani at sitsirya ay maaaring mag-iwan ng mga piraso sa iyong lalamunan na maaaring magdulot ng pagbara at pagsamid.
  4. Ang mga maanghang na pagkain ay maaaring maging sanhi ng acid reflux o asido sa tiyan na makairita sa iyong vocal cord. Sa katagalan, maaaring makapinsala ito sa iyong tinig.
  5. Ang mga fast food, mamantika at matatabang pagkain ay nagiging sanhi ng pagtaas ng timbang at sobrang pagka-pwersa sa iyong katawan at boses.
  6. Ang sobrang alat na pagkain, kape at tsokolate, ay maaaring makapanuyo ng iyong lalamunan.
  7. Ang pag-inom ng alak ay iwasan. Maaaring tumaas ang tsansa na magkaroon ng pagdurugo ang iyong vocal cords. Nakaka-dehydrate din ang alak sa katawan.
  8. Paninigarilyo iwasan. Ang mga usok ng sigarilyo ay maaaring maging sanhi ng pamamaga ng lalamunan at makapinsala sa iyong mga vocal cords. Pwede din magdulot ng kanser sa lalamunan.— Source: Dr. Willie Ong

Leave a Reply

Share via
Copy link
Powered by Social Snap