Menopause sa Babae : Alamin ang Sintomas

Menopause sa Babae : Alamin ang Sintomas

Ang menopause ay ang permanenteng pagtatapos ng regla at fertility o kakayahang magbuntis.

Masasabing menopause ang babae kapag 12 buwan na nakalipas mula sa huling araw ng regla. Sa ibang kababaihan nangyayari ang menopause sa edad na 30s o 40s, habang sa iba naman ay 50s o 60s.

Ang menopause ay natural na proseso at hindi ito sakit. Ngunit ang pisikal at emosyonal na sintomas ng menopause ay maaaring makagambala sa iyong pagtulog, makapagpahina, at magdulot ng kalungkutan.

Tandaan: Ang menopause ay hindi ibig sabihin na mababawasan ang iyong pagkababae at sekswalidad. Sa katunayan, maaari maging isa ka sa mga babaeng pwedeng mag-enjoy ng pagtatalik na walang inaalala na baka mabuntis pa.

Ang senyales at sintomas ay nararamdaman kung palapit na ang menopause. Kabilang dito ang:

  1. Iregular na buwanang daloy
  2. Nababawasan ang pagiging fertile
  3. Panunuyo ng pwerta
  4. Hot flashes o mainit na pakiramdam
  5. Nagagambala ang pagtulog
  6. Pabago-bago ang mood o emosyon
  7. Lumalaki at tumataba sa tiyan
  8. Pagnipis ng buhok
  9. Lumiliit ang suso o lumalaylay

Sa mga babaeng nagagambala sa sintomas ng menopause, huwag mag-atubili na mag-pagamot sa iyong OB-Gyne na doktor.— Source: Dr. Willie Ong

Leave a Reply

Share via
Copy link
Powered by Social Snap