Lalaking taga-India, gawa sa ginto ang suot na face mask

Lalaking taga-India, gawa sa ginto ang suot na face mask

Hindi pa tapos ang pandemya ng COVID-19 kaya mahalaga pa rin ang pagsunod sa mga health protocols. Isa na riyan ang pagsusuot ng face mask. Tila naging bahagi na nga ito ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao sa pagharap sa “Bagong Normal;” kasinghalaga ng pagsusuot ng uso at magandang damit.

Kaya naman, pinag-usapan ng mga netizens ang isang lalaking taga-India na nagngangalang “Shankar Kurhade,” isang negosyante, dahil gawa sa ginto ang kaniyang suot na face mask.

Ayon sa kaniya na taga-Pune, India, nagkakahalaga ang kaniyang bespoke gold face mask na $4,000 at may bigat na 60 grams.

Ayon sa kaniya, gumugol ng walong araw ang mga gumawa ng kaniyang face mask na yari sa ginto.

“It is a thin mask and has tiny pores that is helping me to breathe. I am not sure if it will be effective to protect me from a coronavirus infection but I am taking other precautions,” aniya.

Kapag lumalabas umano siya ng kaniyang bahay, nagsusuot din siya ng iba pang mga gintong alahas kagaya ng pulseras, kuwintas, at singsing upang bumagay sa kaniyang gintong face mask.  Aniya, namamangha raw ang mga taong nakakasalubong niya sa tuwing siya ay makikita. Nakiki-selfie raw ang mga ito sa kaniya.

Nakuha raw niya ang ideya ng pagsusuot ng gintong face mask matapos mapanood ang isang balita hinggil sa isang lalaki naman na nakasuot ng face mask na likha sa silver o pilak.

Mandatoryo sa bansang India ang pagsusuot ng face mask kapag nasa pampublikong lugar ang mga mamamayan nito dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga taong may kaso ng COVID-19.— Source: definitelyfilipino.net

 

 

Leave a Reply

Share via
Copy link
Powered by Social Snap