Laging inaantok sa umaga kahit nakatulog naman kagabi. Baka primary hypersomnia yan!

Laging inaantok sa umaga kahit nakatulog naman kagabi. Baka primary hypersomnia yan!

Ang hypersomnia ay kondisyon kung saan nakakaranas ng labis na pagkaantok ang isang tao sa umaga. Kahit na mahaba at masarap ang tulog ay inaantok pa din. Pwede itong primary condition o pwedeng dahil din sa ibang sakit tulad ng sleep apnea, Parkinson’s disease, kidney failure o chronic fatigue syndrome. Ang mga taong may ganitong sakit ay hirap kumilos sa umaga dahil laging pagod, hirap magconcentrate at mababa ang energy.

Ang sintomas ng hypersomnia ay mababang energy, iritable, kinakabahan, walang gana kumain, mabagal mag-isip o magsalita, hirap makaalala, laging pagod at walang pahinga. Ito ay nagdudulot sa tao na maging antukin sa umaga. Para madiagnose ang hypersomnia, pinapagawa ng doktor ang pasyente ng sleep diary upang irecord ang oras ng pagtulog at paggising. Gumagamit din ng mga sleepiness scale at sleep latency test para malaman kung malala na ang kondisyon. Pwede ring magsagawa ng tests sa sleep center upang mamonitor ang brain activity.

Iba-iba ang gamutan ng hypersomnia depende sa sanhi nito. May mga gamot na stimulant na binibigay ang mga doktor sa ilang mga tao. Mahalaga ang lifestyle change. Mahalaga ang regular na pagtulog, iwasan ang heavy meal sa gabi. Iwasan din ang labis na kape, sigarilyo at alak. Kung may problema sa pagtulog, kumonsulta sa inyong mga doktor.— Source: Dr. Willie Ong

Leave a Reply

Share via
Copy link
Powered by Social Snap