Kumuha ng 150 galing sa ayuda ng gobyerno (Social Amelioration Program) pinambili ng droga

Kumuha ng 150 galing sa ayuda ng gobyerno (Social Amelioration Program) pinambili ng droga

Naaresto ang isang lalake matapos makuhanan ng isang sachet na hini-hinalang shabu. Ang pinambili ng droga ay galing sa Social Amelioration Program (SAP) na ayuda ng gobyerno na nagkaka-halaga ng 6500 pesos.

Katatanggap niya lamang daw ng  SAP dahil nga sa umiiral na enhanced community quarantine, pag-amin ng suspek sa mga awtoridad na si Clark Jerel Navalta tubong Bacoor Cavite.

Nakaka-extra po kasi ako sa construction malapit sa amin kaya pagkatapos ko pong mamili ng groceries, kumuha ako ng 150 at pinambili ko ng shabu para lumakas-lakas naman ako.

Sa isa pang ulat, dalawang lalaki naman na benepisaryo ng SAP ang hindi na makatatanggap ng P6,500 na ayuda matapos silang mahuling nagsasabong ng manok.

Nitong Huwebes ng gabi, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang umasa sa tulong ng gobyerno ang mga mahuhuling nagsasabong dahil may pera naman sila sa pagsusugal.

Pinaalalahanan ni Bacoor Mayor Lani Mercado Revilla ang kaniyang mga kababayan na gamitin sa tama ang natatanggap na ayuda.

“Sa atin pong mga kababayan na nakatanggap na po ng P6,500 na ayuda mula po sa SPA, spend it wisely. Huwag po nating gamitin ito sa bisyo, tipirin po natin ito dahil hindi po natin alam kung hanggan kailan po itong enhaced community quarantine,” payo ng alkalde.

Sa ngayon ay patuloy umano ang pamimigay ng SAP sa mga residente ng Bacoor.

Leave a Reply

Share via
Copy link
Powered by Social Snap