Kulugo o Warts

Kulugo o Warts

Karaniwan ang kulugo ay dahil sa virus na nag-trigger ng mabilis na paglaki ng selula sa balat. Ang kulugo ay gaya ng maliit na butil at magaspang kung hawakan. Maaaring ito ay masakit at hindi magandang tignan, ngunit hindi naman ito kanser.

Mahigit 200 ang iba’t ibang uri ng kulugo. Ang karaniwang kulugo ay nakikita sa kamay at daliri.

Ngunit may ibang uri din ng kulugo tulad ng:

  1. Plantar warts – Ito ay karaniwan nangyayari sa talampakan ng paa.
  2. Genital warts – Ito ay nabubuo sa maselang bahagi ng katawan.
  3. Flat warts – Ito ay kadalasan lumalabas sa iyong mukha, kamay at hita.

Nakahahawa ang virus ng warts at naipapasa sa ibang tao. Maghihintay ng 2 hanggang 6 buwan bago mabuo ang isang kulugo pagkatapos mahawa.

Salicylic acid para mawala ang kulugo:

  1. Ang pang-tanggal sa kulugo ay mabibili sa drugstores. Maaaring ito ay topical na solution o kaya naman ay patch. Sa mga karaniwang warts, hanapin ang produktong naglalaman ng 17% salicylic acid, dahil binabalatan nito ang apektadong parte ng balat. Ang mga ganitong produkto ay kinakailangan gamitin araw-araw.
  2. Para sa magandang resulta, ibabad ang kulugo sa maligamgam na tubig ng mga 15 minuto bago lagyan ng salicylic acid. Ingatan lamang ang paggamit dahil ang acid nito ay maaaring maka-irita sa balat na nakapalibot sa kulugo.

Karamihan sa kulugo ay kusang nawawala. Kumonsulta sa doktor kung ang iyong kulugo ay nakagagambala sa iyo, nakababahala, masakit at mabilis dumami.— Payo ni Doc Willie Ong

Leave a Reply

Share via
Copy link
Powered by Social Snap