DepEd, nagsorry sa palpak na modules

DepEd, nagsorry sa palpak na modules

Binigyang-diin ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio na inaalam pa nila kung galing sa kanila o sa mga pribadong paaralan ang mga study modules na namumutiktik sa mali at ngayon ay viral sa social media.

“Kasi ‘yung lahat ng pino-post sa social media, ang perception ng tao, kasalanan ni DepEd. But may mga naa-identity kami na hindi naman sa amin,” wika ni San Antonio.

Nauna rito ay napatunayang hindi sa DepEd, bagkus ay sa isang pribadong eskwelahan, galing ang isang module na puro kabastusan ang mga pangalan na pagpipilian sa mga tanong.

Gayunman, humingi na rin ng paumanhin ang DepEd sa mga pagkakamali dahil sa kakulangan nito ng sistema para ma-check ang mga materyales na ginagamit ngayon sa pag-aaral.

“Sincerest apologies sa mga na-o-offend o sumasama ang loob na hindi namin ito nape-perpekto. Sa ngayon po talaga hindi pa operational ‘yung pinaka ideal naming quality assurance mechanism,” ani San Antonio.

Mayroon namang self-learning modules (SLM) ang DepEd na ginagawa ng mga master teachers, supervisors at mga espesyalista mula sa Central Office nito.

“‘Yun nga nagko-cope lahat. Overwhelming talaga, hindi naman tayo nagrereklamo. Ang dami naming kailangang tapusin, kulang sa time,” anang DepEd official.— Source: tribune.net.ph

Leave a Reply

Share via
Copy link
Powered by Social Snap