Babaeng baligtad ang suot na face shield habang nasa loob ng convenience store, kinaaliwan

Babaeng baligtad ang suot na face shield habang nasa loob ng convenience store, kinaaliwan
Imahe mula sa Facebook account ni Jun Borden / Public Domain Image

Bukod sa mga face masks, isa rin sa mga maaaring isuot ng mga frontliners at karaniwang mamamayan upang maprotektahan ang kanilang mga sarili laban sa COVID-19 ay ang mga face shields. Maaari itong mabili o kaya naman, maaari ding gawin sa kani-kanilang mga tahanan. Kagaya ng face masks, kailangan ding isuot nang maayos sa mukha ang face shields upang hindi mabalewala ang silbi o gamit nito.

Kaya naman, nagdulot ng katatawanan sa mga netizens ang isang larawan ng babaeng nakasuot nga ng face shields, subalit mali naman ang puwesto nito, batay sa ibinahaging Facebook post ni Jun Borden. Nasa isang convenience store ang naturang babae, na ang face shield ay baligtad ang pagkakasuot. Ayon sa netizen, ang larawan ay mula sa ibang bansa at nakita niya lamang sa internet.

Turan ng isa, “Hahaha. It made my day. Pero sana naman, seriously speaking, if ever that happens, instead of taking picture of her and make fun, kindly guide and tell her that she’s doing it wrong and correct her privately.”

“Kinausap at tinuruan n’yo ba after n’yo magpicture? Sana… puwera na lang kung ito ay sadyang nagpa-picture nang ganiyan,” sabi naman ng isa.

Pabirong saad naman ng isa, “Ginawang korona ang face shield? Hahaha.”

Ang face shield ay maituturing na personal protective equipment (PPE), na ang gamit ay maging proteksyon para sa mukha mula sa mga flying objects at road debris, mga kemikal na nagmumula sa mga laboratoryo at pabrika, at  infectious organisms o mga bacteria at virus na nagdudulot nito, kagaya ng COVID-19.

Bukod sa face mask, mas maraming bentahe ang pagsusuot ng face shield. Madali itong ma-disinfect gamit ang household cleaners. Para naman sa mga pipi at bingi, magiging posible ang lip reading para sa mas mabilis na komunikasyon. Dahil sa nakaharang na transparent shield, napipigilan ang sinuman na hawak-hawakan ang kanilang mga mukha, bagay na kinakailangang gawin upang hindi makapasok sa katawan ang virus. — Source : definitelyfilipino.net

Leave a Reply

Share via
Copy link
Powered by Social Snap